
Ang Ating Sagot
Pano tayo magkakaroon ng personal na relasyon sa Diyos? Mayroong dalawang bagay tayong dapat gawin: magsisi at maniwala. “Sinabi nya, “Dumating na ang takdang panahon. Malapit nang maghari ang Diyos! Kaya magsisi na kayo’t talikuran ang inyong mga kasalanan. Paniwalaan na ninyo ang Magandang Balita!” (Marcos 1:15 RTPV05).
Magsisi sa pamamagitan ng pagtitiwala at pagsunod sa Diyos ng lubos. Ito ay pagpili na magkaroon ng relasyon sa Diyos at pagtalikod sa kasalanan at pagiging makasarili.
Maniwala o magtiwala sa Diyos ay pagsuko sa kanya. (Mga Kawikaan 3:5-6). Hindi tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos sa pagiging mabuti lamang. Makakapasok tayo sa pamamagitan ng paniniwala sa Diyos bilang tagapamuno ng ating buhay. “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga tao lamang na sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.” (Mateo 7:21 RTPV05).
Ang Kasagutan ng Diyos:
Pinatawad nya ang ating kasalanan. “Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating mga kasalanan… (1 Juan 1:9 RTPV05). Tatanggalin ng Diyos ang lahat nang hadlang upang tayo ay maibalik bilang kanyang mga anak.
Binigay niya ang kanyang makapangyarihang Espiritu para mahalin natin ang Diyos at ating kapwa. “Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin.” (Ezekiel 36:26-27 RTPV05). Habang ang Espiritu ng Diyos ay pinapalambot at pinupuno ang ating mga puso, buong kagalakan nating sundin ang kanyang pagmamahal.
​
Ano ang pakinabang ng pagtitiwala sa Diyos na maging lider ng ating buhay?