
Ang Solusyon Ng Diyos
Ano ang kasagutan ng Diyos sa pagkakahiwalay natin sa kanya? Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak [Hesus], na nagpalaya at nagdulot sa atin ng kapatawaran sa ating mga kasalanan.” (Mga Taga-Colosas 1:13-14. RTPV05).
Ang Diyos ay patas, kaya ang ating kasalanan ay dapat parusahan; pero dahil ang Diyos ay maawain, namatay si Hesus para sa atin: “Siya ang inialay ng Diyos bilang handog, upang sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sumasampalataya sa kanya…(Mga Taga-Roma 3:25 RTPV05). Walang ibang diyos ang namatay para sa ating kasalanan. Walang ibang diyos ang nabuhay na muli galing sa kamatayan. Ito ang dahilan: tayo’y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban.” (Mga Taga-Efeso 1:5 RTPV05). Sa pamamagitan ni Hesus, mayroon tayong relasyon sa Diyos na naka base sa kanyang pagmamahal, hindi dahil sa ating sariling gawa! “Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang namatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.” (Mga Taga-Roma 5:8 RTPV05, Mga Taga-Efeso 2:8-9).
Ano ang palagay mo sa sakripisyo ni Hesus para sa iyong mga kasalanan at pagbibigay sa iyo ng personal na relasyon sa Diyos?