
Ang Imbitasyon ng Diyos
Paano tayo tutugon sa imbitasyon ng Diyos? “Kung ipinahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya’y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.”
(Mga Taga-Roma 10:9 RTPV05). Ang desisyon na magtiwala at sumunod kay Hesus ay parang kasal kung saan nanunumpa ka kung ano ang nasa puso mo. Maaari kang magdasal ng ganito: Diyos Ama, inaamin ko na ang aking hindi pagtitiwala at kasalanan ay nagpapa hiwalay sa akin, sa iyo at sa iyong kaharian. Tinatalikuran ko na ang aking pagka masarili para sundan si Hesus na maging lider ng aking buhay. Naniniwala ako na bubuuin mong muli ang relasyon ko sa iyo sa pamamagitan ng paghingi ng tawad sa aking mga kasalanan ay sa pamamagitan ng pagbibigay mo ng iyong Espiritu, para mahalin ka ay aking aking kapwa.
Mayroon bang hadlang para dasalin mo ito ngayon?
​
Kung nagdasal ka ng panalangin na ito, binabati kita! Mayroon ka nang personal na relasyon sa Diyos na walang hanggan. Hindi ka na mag iisa at mararanasan mo na ang magandang plano ng Diyos sa buhay mo. Para matulungan ka na lumago sa iyong relasyon sa Diyos, pwede mong bisitahin ang Establish, kasama ang Kristiyano mong kaibigan.
Sino ang gusto mong pagsabihan ng iyong desisyon na magtiwala at sumunod kay Hesus?