Ang Plano ng Diyos


Maraming relihiyon at paniniwala, ngunit ang sabi ng Bibliya, mayroon lang dalawang espirituwal na kaharian, ang isa ay pinaghaharian ng Diyos at ang isa ay pinaghaharian ng ating sarili. Ang kaharian ng Diyos ay puno ng pagmamahal, kapayapaan at kagalakan. At dahil ang Diyos ay maingat, ang kanyang kapangyarihan ay hindi makasarili. (Mga Taga-Roma 14:17). Ang nais nya para sa atin ay magkaroon ng mapagmahal na relasyon kasama sya at ang ating kapwa sa kanyang kaharian. (1 Timoteo 2:4).
Sa kasalukuyan, ang kaharian ng Diyos dito ay hindi pa lubos. Hinahayaan nya ang kasamaan, sa ating sarili at sa ating paligid, dahil binibigyan nya tayo ng pagkakataon na piliin sya. (2 Pedro 3:9). Ngunit hindi nya hahayaan na maghari ang kasamaan habang buhay. Para maitatag nya ng lubos ang kaharian ng pagmamahal dito sa mundo, sisirain nya ang kasamaan sa katapusan ng panahong ito. (Pahayag 11:18). Kaya nga dapat nating gamitin ang panahon natin dito sa mundo para mag desisyon kung sino ang mamumuno sa ating buhay. Sa mga pipili na magtiwala sa Diyos, dapat nating ipakita ito sa pamamagitan ng pagsunod kung paano sya magmahal at magkaroon ng personal na relasyon sa kanya.
Sino ang namumuno ng iyong buhay ngayon?